"MY JOURNEY TO ISLAM" BY SISTER JANE PANDALANGAN FROM PHILIPPINES (FILIPINO LANGUAGE)

"MY JOURNEY TO ISLAM" BY SISTER JANE PANDALANGAN FROM PHILIPPINES 
(FILIPINO LANGUAGE)

Sister Jane Pandalangan, formerly Christian from Philippines, narrates her story about her conversion to Islam.

Bismillahi Rahmanir Raheem..
* Ipinanganak ako sa Salug Zamboanga del norte pero lumaki ako sa Dinagat Surigao del norte dahil ang mga magulang ko ay member ng PBMA group na ang founder ay si Ruben Ecleo Sr.Lumaki ako sa paniniwalang si Ruben Ecleo ang kinikilalang Master o Diyos dahil ang ispirito daw ni Hesus ay sumasanid sa kanya.Bata palang ako ay marami ng tanong ang sumasagi sa mura kong isipan na tao lang si Ruben Ecleo at di nya kayang gawin ang mga bagay tulad ng mga tanawin sa paligid at iba pang mga bagay na di kayang gawin ng normnal na tao.At kapag pumunta naman ako sa mga simbahan ng Katoliko at nakikita ko ang Rebulto ni Hesus na nakapako sa Krus nagtatanong din ang isip ko na hindi din kaya nyang gumawa ng mga bagay dahil rebolto naman yon at gawa lang ng tao.Habang lumalaki ako iyon lagi ang nasa isip ko at walang kasagutan ang lahat ng aking katanungan.Dahil ang mga bagay na nandito sa lupa ay merong tagapaglikha na iba sa lahat ang Panginoon.Kaso di ko alam kong sino nga ang Panginoon na yon.
Noong ako'y mag 15 taong gulang isang gabi nanaginip ako na namatay na ako.At wala akong makitang mga tao maliban sa mga damo ng kugon na kulay yellow green.Noong tumingin ako sa malayo may nakita akong mga taong makasuot na puting damit na naglalakad at sumunod ako sa kanila at nakikita ko at huminto ang bawat isa doon sa mesa sa likod ng pintuan at isa isang binigyan ng aklat.Noong ako na sabi nya sino ang susunod sabi ko ako at sinabi ko ang aking pangalan.Ang sabi nya sa akin ang aklat na ito ay listahan ng mabubuti at masamang nagawa mo noong nabubuhay kapa sa mundo at dito natin malalaman kong alin ang mas matimbang ay mabubuti o masama.Kinuha ko ang aking kulay blue na aklat na nakatalikod sa kanang kamay tsaka humarap at ibinalik doon sa nagbigay sa akin ang aking aklat.Noong binuksan niya ang aklat ng buhay ko walang nakasulat kahit isa blanko.Sabi noong mama sa akin ay walang nakasulat kaya binuksan niya ang sumunod na pahina ganun pa din walang nakasulat kaya bunuksan ulit ang pangatlong pahina wala pa ding nakasulat kaya ang sabi nya sa akin hindi mo pa oras kaya bumalik ka sa mundo.Bigla akong nagising at pinagpawisan ng tudo na akala mo ang layo ng aking nilalakbay at humihingal sa sobrang pagod.Kina umagahan sinabi ko sa Nanay ko at ang tungkol sa aking panaginip ang sabi lang nya na anak hahaba ang buhay mo.
* Lumilipas ang ilang taon nakalimutan kona ang panaginip kong yon. Noong dumating ako dito sa Abu Dhabi UAE noong 1992.Nang marinig ko ang unang Adhan iba ang dating sa akin kaya tinanong ko ang kaibigan ko kong ano yong maingay sa madaling araw.Sabi niya tawag yan ng mga Muslim upang maghanda at pupunta sila Mosque at doon magdasal ang mga kalalakihan.Kahit marami akong naging kaibigan na Muslim noon pero diko alam ang tungkol sa islam at kong paano sila magdasal.Noong makita ko sa Tv kong papaano sila magdasal iba ang naging feeling ko sabi ko ang galing nakapokos lang sila sa pagdadasal at hindi tumitingin sa katabi at konsentret lang silang nagdadasal.Mula noon dina ako mapakali at palagi akong nanonood tuwing nagdadasal ang mga Muslim.
* Buwan ng Hajj nakita ko sa tv ang mga taong naghahajj noong makita ko ang mga suot nila na puting damit sumagi sa isip ko na familyar sa akin ang mga suot nila pero diko matandaan kong saan ko sila nakita noon.Ilang linggo ang lumipas naalala ko ang panaginip ko noong namatay ako at ang mga taong nakasuot ng puting damit yon ang nakita ko tumatayo ang lahat kong balahibo at napaiyak.Doon nag umpisa akong magtanong tungkol sa Islam.Sabi ko sa kaibigan ko na darating ang araw na magdadasal ako gaya ng nakikita namin sa tv sabi niya bahala ka.May nakilala akong isang Muslimah binigyan nya ako ng mga babasahin tungkol sa Islam.Noong nabasa ko lahat ng aking katanungan noong bata pa ako ay nasagot na ang ALLAH (swt) ang tagapaglikha ng lahat ng bagay at ang Tunay na Diyos na dapat sambahin.May 1998 nag shahadah ako dito sa Abu Dhabi court at "Eman" ang naging pangalan ko sa Islam.
* Lahat ng gagabayan ng ALLAH (swt) sa Islam ay may paraan upang makita nya ang daan tungo sa tuwid na landas.Nawa'y marami pang gagabayan at magbalik Islam..Naway mabasa din eto ng iba pa upang alamin at malaman ang ALLAH (swt) lang ang dapat nating sambahin wala ng iba pa.Alhamdulillah na isa ako sa ginabayan ng ALLAH (swt)..
Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi:
"Sinumang tumahak sa landas sa paghahanap ng kaalaman (sa pananampalataya) gagawin ng ALLAH na magaan sa kanya ang landas tungo sa Paraiso."
Alalahanin natin na ang buhay sa mundong ito ay panandalian lamang.Ang lahat ay magwawakas at ang lahat ng tao ay magbabalik at haharap sa ALLAH (swt) upang litisin.
"Tunay! Ang ALLAH ay Siyang nagmamay-ari sa amin at tunay,sa Kanya kami magbabalik.'' (Qur'an:2:156)..
eto ang aking kasayasayan isa sa daan paano ko niyakap ang Islam..

SISTER JANE PANDALANGAN
PHILIPPLINES
---CONCLUDED
{IN SHA ALLAH NEXT POST WILL BE ON HOW I STARTED WEARING HIJAB BY SISTER JANE PANDALANGAN...STAY TUNED :) }

0 comments: